NIA, WAGI SA 1ST GAWAD BAYANIHAN SA PAMUMUHUNAN
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang awarding ceremony para sa One-Stop Action Center for Strategic Investments (OSAC-SI) o ang “Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan: Making It Happen with a Whole-of-Nation Strategy” noong ika-13 ng Marso 2025 sa Malacañang Palace Ceremonial Hall.
Pinarangalan ng Board of Investments (BOI) ang National Irrigation Administration (NIA) at si Administrator Engr. Eddie G. Guillen dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa matagumpay na implementasyon ng Executive Order No. 18, na nagtatakda ng “green lanes for strategic investment” kaugnay ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 (RA 11032).
Ang pagkilala ay tinanggap nina OIC-Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector Engr. Josephine B. Salazar at Ms. Maricris Capistrano. Ang nasabing parangal ay hindi lamang tagumpay ng NIA at ni Administrator Guillen, kundi tagumpay rin ng bawat magsasakang Pilipino.
Photo Courtesy of The Philippine Star, Bureau of Customs Port of Cebu, and Presidential Communications Office